Umabot na sa ika-28 na target nitong sektor ang GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan kung saan, dinaluhan ito nang mahigit na 100 na grupo ng mga samahang magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Isabela na ginanap sa Pasangen Commercial Complex (PCC), ika-12 ng Marso.
Sina Margarita Auxtero, Program Development Officer mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry-Basilan, at Kenny Villanueva, isang guro at aktibong Youth Leader sa lungsod ang nagsilbing mga GoGo ispikers sa makabuluhang pagsasanay.
Ilan sa mga natutunan at naging komento ng mga kalahok ay ang mga sumusunod:
“Antes, pensaba iyo, hinde ya dale atencion si Mayor con el maga farmers, so ahora, tiene ya atencion. Por causa de este, ‘Kadiwa ng Pangulo’ puede ya gayot kame man expose di amon gulay, mucho barangay ya puede entra. Primero, ta bende lang kame gulay every 15/30, ahora, puede ya bende every Friday.”
“Noon, wala talagang association. Ngayon, interesado at aktibo na kami dahil sa inisyatiba ng ating Mayora. Sana bukas, dumami pa ang miyembro ng farmers association, magpatuloy ang programa sa agrikultura para kami ay mabigyan ng semilya, fertilizers, insecticides, at magkaroon ng garden tools. Ang natutunan namin ngayon ay makilahok sa programa nang LGU.”
“Noon, wala pang training kagaya nang organic farming. Ngayon, may trainings na dito kagaya ng pagtuturo sa amin paano gumawa ng organic fertilizers at sana bukas, kami na ang gagawa ng sarili naming organic fertilizers.”
“Noon, menos ang produkto, walang mga equipment. Ngayon, may natatanggap na kaming ayuda mula LGU. Sana bukas, hindi na tayo mag iimport ng gulay sa Zamboanga dahil meron na tayo.”
“Noon, hindi kami na rerecognize as farmers association. Ngayon, isa kami sa binigyan nang tulong ng gobyerno. Sana bukas, maging fruitful at mas develop pa ang agrikultura nang Isabela City. Ang natutunan po namin ay sana magkaisa ang lahat para makamit ang progreso.”
“Ngayon, natutunan namin na may mabuting lider na nag-iisip kung ano ang makakabuti sa mga tao niya. Nagbukas nang palad ang LGU-Isabela City para maiparating ang nais ng mga magsasaka na kagaya namin para bukas. Marami palang nag-aantay na maaring lapitan sa pag-angat ng aming kabuhayan.”
Kasama din sa nasabing pagsasanay ang aktibo at boluntaryong grupo ng GoGo secretariats na pinangunahan nina Jham-Jham Kalbi, Qasim Tapsi, April Winny Baclay, at Erika Joy Bautista na kabilang ang GoGo documenter nitong si Elvic John Obedencia.
Layunin ng GoGo Isabela Caravan na bigyan ng impormasyon at kaalaman ang mga Isabeleños patungkol sa mabuting pamamahala, kung saan ipinabatid sa kanila kung ano ang mga tungkulin ng nakaupong lokal na opisyal, paano pumili ng mabuti at maayos na lider, magkano ang pondo ng lokal na pamahalaan, paano maaaring bantayan ng mga mamamayan ang kaban ng bayan at higit sa lahat, kung paano dapat singilin ang mga lider na binoto ng mga Isabeleño tungo sa mabuting pamamahala. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni EJ. Obedencia, GoGo Documenter)