AYUDAHAN RICE FARMERS ASSOCIATION NG TABIAWAN, NAKATANGGAP NG MGA GAMIT PANGSAKA MULA SA LGU

Pinangunahan ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman ang pamamahagi, April 5, ng mga kagamitan sa pagsasaka para sa mga miyembro ng Ayudahan Rice Farmers Association, sa Purok 7, Barangay Tabiawan.
Pinondohan ng Gender and Development (GAD), nabigyan ng thresher machine, power tiller machine at lawn mower, na umabot sa halagang P120,000, ang mga magsasaka upang magamit nila para sa pag-aani ng palay ngayong Abril.
Kasama sa mga naging saksi sa seremonyang ito ay ang Isabela City People’s Council (ICPC) na siyang may tungkulin na bantayan ang pagpapatupad ng mga programa ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Pastor Ronald Paulino ng UECI na siya ring pangulo ng ICPC; si Shiela Pagarigan, presidente ng Local Council of Women (LCW); Norhaiya Macusang, CSO Focal, CIO/GAD Focal Mendry-Ann Lim at iba pang mga grupo ng magsasaka at miyembro ng ICPC at LCW ng Lungsod ng Isabela. Inimbitahan rin ng Ayudahan Rice Farmers Association si Father Rodel Angeles ng Prelatura ng Isabela de Basilan upang bendisyunan ang mga natanggap na bagong mga kagamitan. (Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »