EID SORPRESA NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG ISABELA, NAGBIGAY-SAYA SA MGA PAMILYANG MUSLIM SA ARAW NG HARIRAYA

Sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, muling naghatid ng ligaya at biyaya ang EID SORPRESA sa mga kabahayang Muslim sa Lungsod ng Isabela, ika-31 ng Marso.
Sa nakalipas na anim na taon, simula pa noong 2020, layunin ng programang ito na ipadama ang tunay na diwa ng Hariraya—ang pagkakaisa, pagmamahal, at pagbibigayan. Sa pamamagitan ng simpleng handog mula sa Pamahalaang Lungsod ng Isabela, nais ipabatid ang mensahe ng malasakit at pagsuporta sa bawat pamilyang Muslim na nagdiriwang ng sagradong araw na ito.
Ang mga maswerteng pamilya ay mula sa mga sumusunod na barangay: Doña Ramona, Aguada San Rafael, Tabuk, Sumagdang, Menzi, Cabunbata, Balatanay, Makiri at Kumalarang.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang selebrasyong ito—sa ating mga masisipag na volunteers, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at higit sa lahat, sa mga sponsor na walang sawang sumusuporta sa EID SORPRESA. Dahil sa inyong kabutihang-loob, maraming pamilya ang nabigyan ng saya at inspirasyon ngayong Hariraya. Ang inyong patuloy na suporta ay nagpapalakas sa adhikain ng programang ito—ang tiyakin na walang naiiwan sa pagdiriwang ng pagpapala at pasasalamat.
Ang EID SORPRESA ay hindi lamang isang simpleng pamamahagi ng regalo, kundi isang patunay na sa Lungsod ng Isabela, ang diwa ng pagkakaisa at malasakit ay nananatiling buhay. Sa bawat ngiti at pasasalamat mula sa ating mga kapatid na Muslim, nakikita natin ang tunay na halaga ng pagtutulungan at pagbibigayan. Patuloy tayong magsama-sama sa pagbibigay-ligaya at pagdiriwang ng pagkakaibigan at pagmamahal sa bawat isa. (Mga Kuha ni C. Digon, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »