Isinagawa noong Agosto 25, 2026 (Martes) ang ikalimang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman.
Nakiisa naman sa naturang sesyon ang City Health Office–Dental Unit, sa pangunguna ni Dr. Manar Saliddin, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa wastong pagsisipilyo, oral hygiene, at tamang pangangalaga sa ngipin at bibig.



Sa pamamagitan ng masaya at interaktibong talakayan, natutunan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpapanatiling malinis at malusog ang kanilang mga ngipin bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pangangalaga sa sarili. Bilang karagdagang suporta, namahagi rin ang Dental Unit ng dental kits upang mahikayat ang mga mag-aaral na maisabuhay ang kanilang natutunan at gawing regular na gawain ang wastong pagsisipilyo.




Sa Sakayan-Kaalaman 4.0, patuloy na pinagbubuklod ang pamahalaan, paaralan, kabataan, at komunidad upang gawing mas masaya, makabuluhan, at abot-kamay ang pagkatuto para sa bawat bata.
Sama-sama sa pagbasa, sama-sama sa pagkatuto, at sama-sama sa pangangalaga ng ating kalusugan! ![]()






