Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, upang mapabuti ang mga pasilidad pampaaralan at makapagbigay ng mas ligtas, maayos, at mas angkop na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro.
Bahagi ng programang ito ang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga gusali at iba pang pasilidad sa 21 pampublikong paaralan sa lungsod, na may kabuuang pondong ₱19,699,971.54.






Sa unang bahagi ng proyekto, isinagawa ang mga sumusunod na pagpapagawa:
1. Isabela East Central Elementary School – Pagkukumpuni ng Alternative Learning System (ALS) Room
2. Kaumpurnah Elementary School – Repainting ng gusali at pagsasaayos ng iba pang pasilidad pampaaralan
3. Isabela Bliss Elementary School – Repainting ng paaralan at paglalagay ng karagdagang support facilities, kabilang ang mga ilaw.
4. Diki Elementary School – Pagkukumpuni ng mga bintana at kisame gayundin ang repainting ng ilang bahagi ng paaralan
5. Lampinigan Elementary School – Pagkukumpuni ng Multipurpose Hall
Sa pamamagitan ng mga proyektong pang-imprastraktura sa edukasyon, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang mas ligtas, mas komportable, at mas dekalidad na kapaligiran sa pag-aaral para sa bawat kabataang Isabeleño.
See less






