MAYOR DADAH NAKILAHOK SA STRATEGIC BRANDING WORKSHOP PARA SA BASILAN

Aktibong nakilahok si Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman sa Strategic Branding for Basilan workshop na ginanap noong Hunyo 30, 2026 sa EDSA Shangri-La, Mandaluyong City, bilang bahagi ng inisyatibang pinangunahan ni Basilan Governor Mujiv S. Hataman upang makabuo ng isang nagkakaisa, makabuluhan, at pandaigdigang brand para sa lalawigan ng Basilan.

Kasama sa naging delegasyon sina Basilan First District Board Member Ahmed Djaliv Amin Hataman at Isabela City Museum Curator Marian Pastor Roces, kasama ang mga propesor mula sa UP Asian Institute of Tourism, na aktibong nakibahagi sa mga talakayan at nagbahagi ng kanilang mga pananaw at rekomendasyon sa paghubog ng isang natatangi at nagkakaisang brand identity para sa Basilan. Nakiisa rin ang mga piling opisyal at empleyado ng Provincial Government of Basilan na pinangunahan ni Chief of Staff Mojahed Cosain, gayundin sina Amir Mawallil, Isabela City Information Officer Mendry-Ann Lim, City Tourism Officer Claudio Ramos II at Jasmine Teodoro ng Office of the City Mayor.

Pinangunahan ang workshop ng IdeasXMachina, isa sa mga nangungunang branding at strategic communications firms sa bansa at bahagi ng Hakuhodo Network, sa pangunguna ni Mr. Mikael de Lara Co. Sa isinagawang presentation, tinalakay ang mga estratehiya sa pagbuo ng isang authentic at pangmatagalang place brand na magpapakita sa tunay na pagkakakilanlan ng Basilan—ang mayamang kultura, kasaysayan, likas na yaman, at mga pagkakataon para sa turismo, pamumuhunan, at inklusibong pag-unlad.

Sa bahagi ng talakayan, ibinahagi ni Board Member Amin Hataman ang isa sa mga maaaring maging pundasyon ng branding ng Basilan—ang kuwento ng katatagan ng mga Basilenyo. Aniya, ang Basilan ay isa sa mga lalawigang pinakamatinding naapektuhan ng armadong tunggalian sa bansa, subalit sa kabila nito ay nanatiling matatag at patuloy na bumabangon ang mga mamamayan.

“One potential avenue for Basilan’s branding is its unique experience. We are one of the provinces that experienced some of the worst conflict in the country. I would like to see a version of Basilan where, despite coming from years of conflict and hardship, we can proudly brand ourselves as survivors—not just survivors, but as a province that understands the true cost of peace, and knows how to preserve and protect it.”

Ipinunto niya na ang tunay na lakas ng Basilan ay hindi lamang nasusukat sa kakayahang malampasan ang mga pagsubok, kundi sa malalim na pagpapahalaga nito sa kapayapaan at sa sama-samang pagsisikap na mapanatili ito para sa susunod na mga henerasyon.

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman ang pananaw ng Isabela City sa pagbuo ng tatak ng Basilan, na aniya ay dapat nagsisimula muna “within”—mula sa pagkilala at pagpapahalaga ng mga Basilenyo sa kanilang sariling pagkakakilanlan bago ito ipakilala sa mas malawak na mundo.

Ayon sa alkalde, bagama’t mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Basilan ang tagumpay nito sa pagsusulong ng kapayapaan, hindi lamang ito ang maaaring maging batayan ng branding ng lalawigan. Aniya, isa sa pinakamalalaking yaman ng Basilan ay ang multiculturalism nito—ang pagkakaroon ng iba’t ibang kultura, wika, at pananampalataya na namumuhay nang may paggalang at pagkakaisa.

Iminungkahi rin ni Mayor Dadah na maaari ring higit pang paigtingin ang pagkilala sa Basilan bilang Ramadan Capital o Halal Industry Capital, mga katangiang nagpapakita ng natatanging identidad ng lalawigan at nagbibigay ng malaking potensyal sa turismo, kultura, at pamumuhunan.

Sa kanyang pagbabahagi, nag-iwan din ng isang makapangyarihang mensahe ang alkalde tungkol sa karanasan ng pagbisita sa Basilan.

“I always tell people that when you go to Basilan, you discover a part of you that you didn’t know was missing as a Filipino. Kapag pumunta ka sa Basilan, may kakaiba kang mararamdaman. It’s so different, yet it resonates in you. Doon mo mare-realize—ito pala ang kulang sa akin bilang isang Pilipino. Hindi mo alam na nawawala iyon hanggang maranasan mo ang Basilan. And for me, that is so beautiful.”

Aniya, ang damdaming ito ang nais niyang maiparating sa mga bibisita sa Basilan—isang karanasang higit pa sa tanawin at destinasyon, kundi isang paglalakbay tungo sa mas malalim na pag-unawa sa kultura, pagkakaiba-iba, at pagiging Pilipino.

Ang nasabing maikling pulong ay nagsilbing mahalagang hakbang sa paglikha ng isang iisang brand na magsisilbing mukha ng Basilan sa pambansa at pandaigdigang entablado, habang pinagtitibay ang pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan, mga eksperto, at iba pang stakeholders sa pagsusulong ng pangmatagalang kaunlaran ng lalawigan.

#HAPIsabela

#BasilaNarin

#BasilaNgayon

#ReadyNaBasilan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

YOUR CITY GOVERNMENT AT WORK

Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, upang mapabuti ang mga pasilidad pampaaralan at makapagbigay ng mas ligtas, maayos, at mas angkop na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro. Bahagi ng programang ito ang pagkukumpuni

Read More »

MAYOR DADAH, PINANGUNAHAN ANG PAGPAPASINAYA SA UPGRADED CITY HEALTH OFFICE

Mula sa dating City Infirmary, isa na ngayong mas moderno at mas pinalawak na City Health Office (CHO) Building ang nagsisilbing sentro ng mga serbisyong pangkalusugan sa Lungsod ng Isabela. Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagpapasinaya sa mga bagong natapos na imprastraktura sa CHO Building sa Barangay

Read More »

MAYOR DADAH HOLDS SERIES OF MEETINGS TO ADVANCE CITY PROGRAMS AND PARTNERSHIPS

Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman conducted a series of meetings with key city officials, staff, and partner organizations on July 20 at the Infirmary Conference Hall to discuss priority programs and initiatives aimed at strengthening public service delivery, cultural development, youth empowerment, and community partnerships. Among the meetings held was with

Read More »

LIBRENG ISA-KAYAN PARA SA MGA MAG-AARAL, HANDOG NG PAMAHALAANG LUNGSOD

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng gastusin ng mga pamilyang Isabeleño, pormal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ika-21 ng Hulyo, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Libreng Isa-Kayan Program para sa mga mag-aaral at guro sa lungsod. Nakiisa sa paglulunsad

Read More »