Taos-pusong pagbati sa mga atletang Isabeleño na nagbigay ng karangalan sa Lungsod ng Isabela at sa Zamboanga Peninsula matapos masungkit ang ilang medalya sa larangan ng pencak silat sa 2026 Palarong Pambansa.
Personal na dumalo si Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman sa parangal upang saksihan at makibahagi sa makasaysayang tagumpay ng ating mga kabataang atleta. Ang kanyang presensya ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapaunlad ng sports at kabataang Isabeleño.
Ipinagmamalaki natin sina:
Silver, Pencak Silat Regu Category
ALBIYA LUMBATAN (BNHS)
KATHLENE MEI TUGA (Begang NHS)
MICHELLE JOY BALUCOS (BNHS)
SITTI AIZA AIDALA – Silver, Pencak Silat – Secondary Class D – Tanding (Combative)
KATHLENE MEI TUGA (Begang NHS) – Bronze, Pencak Silat – Secondary Class A – Tanding (Combative)
Gayundin, kinikilala natin ang mahalagang ambag ng kanilang mga tagasanay at chaperon na naging katuwang sa tagumpay na ito.
Ang inyong husay, disiplina, at determinasyon ay inspirasyon sa buong Lungsod ng Isabela. Patuloy ninyong pinatutunayan na kayang makipagsabayan ang mga Isabeleño sa Palarong Pambansa.
#HAPIsabela
#PalarongPambansa2026
#PalaroTuAgsur
