Republic of the Philippines

City of Isabela

MAYOR DADAH KINAMUSTA ANG MGA ATLETANG ISABELEÑO SA PALARONG PAMBANSA

Bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa mga atletang kumakatawan sa lungsod sa Palarong Pambansa 2026, personal na bumisita si Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman sa delegasyon ng Lungsod ng Isabela sa Agusan del Norte, Mayo 29.
Sa kanyang pagbisita, nakipagkumustahan ang Alkalde sa mga atleta, coach, at opisyal ng delegasyon, at naghatid ng paghihikayat at inspirasyon habang isinasagawa ang kani-kanilang mga kompetisyon.
Patuloy na ipinapaabot ng Pamahalaang Lungsod ang buong suporta at panalangin para sa tagumpay ng ating mga atleta. Anuman ang maging resulta ng kanilang mga laban, sila ay maituturing nang mga kampeon dahil sa kanilang dedikasyon, sakripisyo, at karangalang ibinibigay sa Lungsod ng Isabela.
Mabuhay ang ating mga atletang Isabeleño! (Kuha ni M. Santos, CIO)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post