Republic of the Philippines

City of Isabela

NAPC, PAMAHALAANG LUNGSOD, PALALAKASIN ANG MGA PROGRAMA KONTRA KAHIRAPAN

Nagsagawa ang Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan (NAPC), sa pangunguna ni Usec. Esnaen Catong, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela na pinamumunuan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ng isang Technical Coordination Meeting kaugnay ng pagbabalangkas ng Magna Carta of the Poor–Local Poverty Reduction Action Plan (MCP-LPRAP) para sa lungsod, Mayo 28.
Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan at serbisyong panlipunan. Isinagawa rin ang pagpupulong bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng lokal na pamahalaan ng mga programang nakatuon sa inclusive development at pagbabawas ng kahirapan sa komunidad.
Pinangunahan ni Usec. Catong ang talakayan hinggil sa mga plano, estratehiya, at interbensyon na makatutulong sa pagtugon sa mga hamon ng kahirapan sa lungsod. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pinaigting na inter-agency coordination upang matiyak na makarating ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa mga sektor na higit na nangangailangan.
Dinaluhan ang pagpupulong ng mga pinuno at kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, kabilang sina Tagapamahala ng Lungsod Pedrito Eisma, Hepe ng LEDIPO Jaime Juanito Rivera, PDAO Gemma Paculio, CPDC Gay Palagtiosa, mga kinatawan mula sa City Information Office, City Health Office, City Engineering Office, City Social Welfare and Development Office, City Population Management and Development Office, at DILG FOU Isabela City CLGOO Arnel Alvarez.
Inaasahang magsisilbing mahalagang hakbang ang aktibidad tungo sa mas komprehensibo at inklusibong mga inisyatiba para sa pagbabawas ng kahirapan para sa mga mamamayan ng lungsod. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post