Nakipagpulong si Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, ika-15 ng Mayo, sa hepe ng PNP-ICPS na si PLTCOL Wilfredo Palamos upang higit pang palakasin ang mga hakbang para sa kapayapaan at kaayusan upang masiguro ang patuloy na kaligtasan ng bawat Isabeleño.
Tinalakay sa pagpupulong ang mas pinaigting na koordinasyon sa pagpapatupad ng batas, agarang imbestigasyon sa mga naganap na insidente ng pamamaril, at mga paraan upang maiwasan ang krimen at mapanatili ang tiwala ng publiko sa katiwasayan sa lungsod. Napag-usapan din ang dagdag na police visibility operations at checkpoints sa iba’t ibang pangunahing lugar sa lungsod.
Nanatiling kaisa ng Pamahalaang Lokal ang Pambansang Kapulisan at iba pang sektor ng seguridad sa layuning maprotektahan ang mga komunidad, makamit ang hustisya, at mapanagot ang mga may sala. (Ambag na Ulat at Mga Larawan)
