Republic of the Philippines

City of Isabela

BION PATROL | HAPAG (HALINA’T MAGTANIM NG PRUTAS AT GULAY)

Matagumpay na isinagawa ang HAPAG (Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay) na aktibidad sa bakanteng espasyo ng Barangay Hall ng Lumbang nitong ika-6 ng Mayo.
‎Ang nasabing gawain ay naglalayong hikayatin ang komunidad na makiisa sa pagtatanim ng mga gulay at prutas bilang suporta sa seguridad sa pagkain at pagpapabuti ng nutrisyon ng bawat pamilya.
‎Ang aktibidad ay pinangunahan ni Punong Barangay Hja. Hayma Omar at dinaluhan ng mga Barangay Kagawad, Lupon ng Tagapamayapa, Barangay Secretary, pati na rin ng mga Solo Parent at Senior Citizen.
‎Sa halip na magsimula ng panibagong taniman, pinagtibay ng mga kalahok ang pagpapanatili ng kasalukuyang garden sa pamamagitan ng paglilinis ng paligid, pag-aayos ng mga tanim, at pag-aalaga sa mga gulay upang mas mapabuti ang kanilang paglago.
‎Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, naipakita ang kahalagahan ng disiplina at kooperasyon sa pagpapanatili ng isang produktibo at maayos na gulayan. Patuloy na hinihikayat ang bawat residente na makiisa sa pangangalaga at pagpapaunlad ng gulayan ng barangay.
‎Sa kabuuan, naging makabuluhan at produktibo ang isinagawang HAPAG activity na nagpakita ng pagkakaisa ng komunidad tungo sa mas masustansyang pamumuhay.
‎(Ulat at mga larawan ni BIO Patroller Sarah Sayaddi ng Barangay Lumbang)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post