Nakasakay na sa barko patungong Zamboanga ang mga bisitang kalahok ng ika-22 Zamboanga Peninsula Regional Athletic Association (ZPRAA) Meet, ika-12 ng Abril.
Kasama sa naghatid sa kanila ang ilang kawani ng Pamahalaang Lokal, mga guro at punongguro sa pangunguna ni Hatta Amil, pinuno ng Komite ng Transportasyon ng 2026 ZPRAA Meet Local Organizing Committee.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa isang matagumpay at makabuluhang pagdaos ng ZPRAA Meet dito sa Lungsod ng Isabela. Nawa’y dala ninyo ang magagandang alaala, bagong pagkakaibigan, at inspirasyon mula sa inyong naging karanasan kasama kami.
