Republic of the Philippines

City of Isabela

MAYOR DADAH, NAG-INSPEKSYON; MAS MALIWANAG, MAS MAAYOS NA CITY GRANDSTAND, TINIYAK

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng 2026 Zamboanga Peninsula Regional Athletic Association (ZPRAA) Meet na gaganapin sa Abril 6–11, personal na ininspeksyon ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, ika-5 ng Abril, ang Isabela City Grandstand upang tingnang ang mga isinagawang pagpapabuti sa nasabing pasilidad, kabilang ang pailaw nito.
Layon ng pagbisita na matiyak ang kahandaan ng Isabela City Grandstand, lalo na sa usapin ng seguridad at kaayusan sa mga aktibidad na gaganapin sa gabi. Sa kasalukuyan, mas maliwanag at maaliwalas na kapaligiran sa buong grandstand, mula sa track oval hanggang sa mga upuan ng manonood.
Ayon kay Mayor Dadah, ang pagpapailaw ng City Grandstand ay bahagi ng mas malawak na paghahanda ng lungsod upang masiguro ang maayos at ligtas na pangkalahatang karanasan para sa mga atleta, delegado, at bisita mula sa iba’t ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Ang mga ganitong hakbang ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang mga pampublikong pasilidad at maitaguyod ang sports development, turismo, at lokal na ekonomiya.
Inaasahang magiging sentro ng aksyon ang Isabela City Grandstand ngayon 2026 ZPRAA Meet, kung saan makikipagtagisan ang mga kabataang atleta sa kanilang husay at talento sa palakasan (Ambag na Ulat at Mga Larawan).

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post