Republic of the Philippines

City of Isabela

BION PATROL | BARANGAY TABIAWAN

Nitong ika-21 ng Marso, muling nagpamalas ng pagkakaisa ang mga residente ng Barangay Tabiawan sa ginanap na 1st Semester Barangay Assembly. Sa ilalim ng temang “Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran,” naging sentro ng usapan ang mga plano at kasalukuyang estado ng komunidad sa pamumuno ni Punong Barangay Oscar Bernardo.

Kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay, SK Officials, at iba pang katuwang sa serbisyo, naging makabuluhan ang talakayan ukol sa mga proyekto at adhikain ng barangay para sa taong 2026. Aktibong nakiisa ang mga residente upang masiguro na ang bawat boses ay naririnig sa pagbuo ng mga desisyon para sa kanilang lugar.

Naging masigla rin ang programa sa pamamagitan ng mga sumusunod na aktibidad:

​Women’s Month Special: Bilang pagkilala sa galing ng kababaihan, nagkaroon ng mga espesyal na aktibidad at libreng serbisyo gaya ng manicure at pedicure.

​Community Support: Isang nakaka-antig na bahagi ng programa ang pamamahagi ng bigas mula sa ilang grupo ng kababaihan para sa kanilang mga ka-barangay na patunay na pagpapakita ng diwa ng Bayanihan.

​Kabataang Tabiawan: Nagpamalas din ng talento ang mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang intermission numbers na nagbigay ng karagdagang kulay sa okasyon.

​Sa pagtatapos ng programa, muling pinatunayan ng Barangay Tabiawan na ang tunay na kaunlaran ay nagsisimula sa pakikilahok at malasakit ng bawat mamamayan.

​(Ulat at larawan mula kay BIO Patroller Princes Peronella ng Barangay Tabiawan)

#BIONPatrol

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post