Republic of the Philippines

City of Isabela

BION PATROL | BARANGAY EASTSIDE

𝗕𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗟 | Sa ilalim ng temang pagkakaisa at transparency, matagumpay na idinaos ng Barangay Eastside ang kanilang 1st Quarter Assembly noong ika-21 ng Marso. Pinangunahan ni Punong Barangay Maria Shriley Diaz ang pagtitipon na nilahukan ng mga residente, Barangay Officials, SK Officials, Tanods, at Lupon Tagapamayapa.

​Tampok sa nasabing assembly ang State of the Barangay Address (SOBA) ni PB Diaz. Sa kanyang ulat, malugod niyang ibinahagi ang mga naging tagumpay at mahahalagang accomplishments ng barangay para sa taong 2025, na nagsilbing pundasyon ng maayos na pamamahala sa lokalidad.

​Kasabay nito, pormal din niyang inilatag ang mga programa para sa taong 2026 na nakatuon sa mas pinalakas na serbisyo-publiko at pagpapaunlad sa bawat sektor ng Eastside.

​Bilang paghahanda sa hinaharap, tinalakay sa pulong ang mga kritikal na hakbangin:

​ZPRAA 2026 Hosting: Bilang tahanan ng Grandstand na magsisilbing pangunahing venue ng mga palaro, masusing tinalakay ang paghahanda sa kalinisan at seguridad para sa mga darating na atleta at bisita.

​Social Services at Transparency: Paglalapit ng mga programa ng gobyerno sa mga bulnerableng sektor tulad ng senior citizens at mga bata, kasabay ng pagtiyak na ang mga residente ay laging impormado sa mga pondo ng barangay.

​Ang tagumpay ng assembly ay muling nagpatunay na sa Barangay Eastside, ang boses ng mamamayan ay mahalaga at ang pagkakaisa ng mga opisyales at residente ang katuwang sa pag-abot ng isang masigla, maunlad, at mapayapang pamayanan.

​(Ulat at larawan mula kay BION President Vincent Saavedra ng Barangay Eastside)

#BIONPatrol

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

 

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post