Republic of the Philippines

City of Isabela

PURPLE WEDNESDAY: PAGPUPUGAY SA MGA BABAENG LINGKOD-BAYAN NG PAMAHALAANG LUNGSOD

Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO) na pinamumunuan ni CSWDO Nor Aina Asmara, ang pagsasagawa ng Purple Wednesday: Pagpupugay sa Babaeng Kawani ng LGU noong ika-11 ng Marso bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan at pagkilala sa kababaihang empleyado ng lungsod.
Sa nasabing aktibidad, nangharana ang mga empleyado mula sa CSWDO at namigay ng mga rosas sa mga kababaihang kawani bilang simbolo ng pasasalamat, pagkilala, at pagpapahalaga sa kanilang ambag sa serbisyo publiko.
Layunin ng selebrasyon na ipagdiwang ang kontribusyon ng kababaihan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at hikayatin ang mas aktibong partisipasyon sa mga inisyatiba at proyekto ng lungsod. Sa pamamagitan ng simpleng pagkilala at pagpapahalaga, nais iparating ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang suporta at pagkilala sa kahalagahan ng kababaihan sa pagpapaunlad ng lungsod. (Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post