Republic of the Philippines

City of Isabela

‘MANG INASAL’, PARATING NA SA LUNGSOD NG ISABELA

Bilang bahagi ng pagsulong ng lokal na ekonomiya ng Lungsod ng Isabela, mainit na tinanggap ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ika-2 ng Marso, ang Mang Inasal Philippines Franchise Group, sa pamumuno nina Dr. Annalisa Chan at G. Andrew Levi Chan, upang pormal na ipahayag ang kanilang intensyong palawakin ang kanilang operasyon.
Ibinahagi ng mga kinatawan ng Mang Inasal na ang iminumungkahing sangay ay bahagi ng mas malawak na istratehiya ng kumpanya para sa rehiyonal na ekspansyon, na naglalayong palakasin ang kanilang presensya, magbigay ng lokal na trabaho, at pasiglahin ang aktibidad ng ekonomiya.
Dumalo rin sa nasabing pagbisita ang mga mahahalagang opisyal ng franchise group, kabilang sina Rosalinda Minerales mula sa Regional Business Unit Group, Operations Director Romelyn Dumaya, Area Manager Helen Renegio, at Trade Marketing Manager Carulyn Rule.
Sa naturang dayalogo, tinalakay ng magkabilang panig ang mga paraan upang itaguyod ang mga polisiyang mag-e-enganyo sa mga negosyante na mamuhunan sa Lungsod ng Isabela. Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang inisyatibong ito at muling pinagtibay ang patuloy na suporta para sa mga responsableng pamumuhunan na nag-aambag sa lokal na empleyo, paglago ng mga negosyo, at pag-unlad ng komunidad.
Abangan ang pagbubukas ng Mang Inasal ngayong taon!
(Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post