Bilang bahagi ng patuloy na paggunita sa sagradong buwan ng Ramadhan, pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang isang gabi na naman ng taunang Libreng Iftar, ika-27 ng Pebrero sa City Hall Lobby.
Sinamahan ang alkalde nina Konsehal Jeromy Jay Casas, PESO Manager Aradelria Belleng at ni Bb. Queenie Padilla at iba pang mga panauhin.
Layunin ng aktibidad na maghatid ng pagkain sa oras ng pagtatapos ng pag-aayuno para sa mga mananampalataya at mga dumaraan sa City Hall, bilang pagpapakita ng paggalang sa diwa ng Ramadhan at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad. (Kuha ni M. Santos, CIO)

