Bilang pakikiisa sa banal na buwan ng Ramadan, naghandog ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ng taunang “Libreng Iftar” noong ika-23 ng Pebrero sa City Hall Lobby.
Dumalo rin si Board Member Ahmed Ibn Djaliv Hataman, kasama ang mga kawani ng lungsod at iba pang indibidwal mula sa komunidad. Ang programa ay naglalayong maglaan ng pagkain sa pagtatapos ng araw ng pag-aayuno, na bahagi ng tradisyonal na obserbasyon ng Ramadan.
