Republic of the Philippines

City of Isabela

MAYOR DADAH, NAKIPAGPULONG SA KABABAIHANG MAGSASAKA PARA SA PAGSUSURI NG GAD LIVELIHOOD

Nakipagpulong si Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman sa mga asosasyon ng magsasaka na bahagi ng Local Council for Women noong Biyernes ng umaga, ika-14 ng Pebrero, upang talakayin ang estado ng livelihood assistance na ipinagkaloob sa ilalim ng Gender and Development (GAD) Program ng Lungsod.
Sa pagpupulong, tinalakay ang mga suportang naibigay sa mga kababaihang magsasaka noong nakaraang taon—kabilang ang mga kagamitan, panimulang puhunan, at teknikal na tulong—na naglalayong palakasin ang kanilang produksyon at kita.
Mahigpit na hinikayat ng alkalde ang bawat asosasyon na magsumite ng kani-kanilang ulat hinggil sa ani at kabuuang kita mula sa natanggap na ayuda. Ayon kay Mayor Hataman, mahalaga ang maayos na dokumentasyon at datos upang masukat kung naging epektibo at may tunay na epekto ang programa sa kabuhayan ng mga benepisyaryo. Aniya, ang mga ulat na ito ang magsisilbing batayan kung ipagpapatuloy, palalawakin, o dadagdagan pa ng pondo ang nasabing programa sa mga susunod na taon.
Kasama sa pulong si Sheila Pagarigan, Presidente ng Local Council for Women, at si Mendry Ann Lim, City GAD Focal Person. Dumalo rin si Jonathan Pedillon upang magbigay ng teknikal na suporta at payo mula sa City Agriculture Office, bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan para sa mas matatag at inklusibong sektor ng agrikultura sa lungsod.

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post