Republic of the Philippines

City of Isabela

CHO, CDRRMO, AT CSWDO, NAGHATID NG AGARANG TULONG SA MGA NA-RESCUE NA PASAHERO NG MOTORBANCA

Nagbigay ng agarang serbisyong medikal ang Isabela City Health Office (CHO) katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa mga pasaherong na-rescue mula sa isang motorbanca na bumiyahe mula Lungsod ng Zamboanga patungong Sulu at naaberya sa karagatan ng Basilan, ika-6 ng Pebrero.
Bukod sa paunang lunas at serbisyong medikal, ang dalawampu’t isang (21) pasahero—kabilang ang isang buntis—ay pansamantalang dinala at inalagaan sa Lungsod ng Isabela. Nagkaloob din ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng pagkain at tulugan upang matiyak ang kanilang kalagayan at kaligtasan.
Upang matiyak ang maayos at ligtas na paglalakbay, ang mga na-rescue na pasahero ay ihahatid ng CDRRMO gamit ang dropside vehicle patungo sa pantalan. Mula rito, sila ay ibibiyahe pabalik sa Lungsod ng Zamboanga sakay ng Sug Adventure, sa koordinasyon at pangangasiwa ng Philippine Coast Guard.(Photos from IsaTV, Bion Port Area Patroller and CSWDO)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post