Republic of the Philippines

City of Isabela

PAGHAHANDA NG LUNGSOD SA BANTA NG LINDOL AT TSUBNAMI, PINAIGTING

Bunsod ng sunod-sunod na mga lindol kamakailan sa Sultan Kudarat, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ay nagpatawag ng pagpupulong tungkol sa mga banta ng lindol at tsunami noong ika-29 ng Enero sa CDRRMO Operations Center.
Dinaluhan ang pagpupulong nina CDRRMO Uso Dan Salasim, Konsehal Al-Ameen Camlian, at mga Punong Barangay, na naglalayong palakasin ang disaster preparedness at risk reduction measures, partikular para sa mga komunidad sa baybayin na maaaring maapektuhan ng mga panganib na may kaugnayan sa lindol at tsunami.
Sa konsultasyon, tinalakay ng mga kalahok ang mga potensyal na panganib na dulot ng lindol at tsunami sa Lungsod ng Isabela, batay sa mga aral mula sa kamakailang lindol sa Sultan Kudarat. Kabilang sa mga pangunahing paksa ang kamalayan sa panganib, mga sistema ng maagang babala, pagpaplano ng paglikas, koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya, at pangkalahatang paghahanda sa komunidad.
Binigyang-diin din ang paglalagay ng wastong warning signage, paghahanda ng mga emergency Go Bag, at pagsasagawa ng barangay-to-barangay orientations upang matiyak na ang mga residente ay may kaalaman at handa sakaling magkaroon ng emergency. Hinikayat ang mga Punong Barangay na bumuo at palakasin ang kani-kanilang barangay disaster response plans upang masiguro ang napapanahon at magkakaugnay na aksyon sa panahon ng kalamidad. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post