PROGRAMANG PANGNUTRISYON, MAS PINALAKAS SA BARANGAY CARBON

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang adbokasiya para sa wastong nutrisyon at kalusugan ng kabataan sa pamamagitan ng turnover ng Gardenator, bitamina, at food support para sa 40 batang kasali sa 120-Day Supplemental Feeding Program ng Barangay Carbon, ika-21 ng Nobyembre.
Nagsimula ang programa sa isang masayang trivia segment na pinamunuan ni CPMDO/CNAO Jesielyn Puno, na nagdala ng aliw at dagdag-kaalaman sa mga magulang at bata. Kasunod nito ang pagpapakilala at demonstrasyon ng Gardenator, isang home gardening kit na naglalayong hikayatin ang mga pamilya na magtanim ng sariling gulay para sa mas sustenableng pagkain sa bawat tahanan.
Nagbigay rin ng kanilang mensahe ng pagtanggap ang Lupon ng Barangay Carbon, sa pangunguna ni Kagawas Najar Suhayli, bilang pasasalamat sa tuloy-tuloy na suporta ng lungsod sa mga programang nakatuon sa nutrisyon, kalusugan, at responsableng pagkamagulang.
Matapos nito ay isinagawa ang pormal na turnover ng Gardenator sets, bitamina, at food packs—isang patunay ng matatag na partnership sa pagitan ng pamahalaan at mga pamilyang nagsusumikap na matiyak na ang bawat bata ay lumaking malusog, masigla, at maaalagaan. (Sulat ni R. Albani/Kuha ni K. Galos, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »