MNHS, NAKILAHOK SA GOGO ISABELA CARAVAN

Umabot na sa ika-95 na sesyon ang GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan sa Malamawi National High School (MNHS) kung saan, dinaluhan ito ng 100 na mga aktibong mag-aaral na nasa Grade 11 at 12 na naganap sa entablado ng paaralan, noong ika-20 ng Nobyembre. Layunin ng makabuluhang pagsasanay na ito na ipalaganap ang kaalaman kung paano makakamit ang mabuting pamamahala.
Naitalang umabot na sa 95 sesyon caravan ang GoGo Isabela: 45 Barangays, 39 na iba’t ibang sektor sa lungsod, ikalawang ronda sa 6 na malalaking barangays, at naisagawa ang 5 na GoGo Eskwela Training para sa mga mag-aaral kung saan, sa buong Rehiyon 9, ang inisyatibang ito ay nabigyan ng parangal bilang kampeon sa kategoryang ‘Citizen Participation’ ng 2025 Regional DILG ‘Layag’ Awards.
Ang pagsasanay ay pinangunahan ni GoGo Volunteer Speaker 1 Barbette Jane Baclay, Community Health Developer mula sa Global Missions Project, at tinalakay ang unang sesyon na sumasaklaw sa demograpiya ng Lungsod ng Isabela, ang tungkulin, responsibilidad, at obligasyon ng mga namumuno mula pambansa pababa sa barangay, kabilang ang paglilinaw sa mga maling akala ng mga kalahok.
Bago pa man dumako sa ikalawang sesyon ng GoGo, ipinakilala ni Head writer Kristine Jayne Lim ang IsaTV Channel ng Lungsod, at ibinahagi ang iba’t-ibang gawang edukasyonal na shows na pinopost sa mismong channel. Nagkaroon din ng pa-trivia game ang grupo at nagbigay ng mga IsaTV merchandise sa mga nanalo.
Samantala, ipinaliwanag naman ni GoGo Volunteer Speaker 2 Anna Sahibil, Community Affairs Associate mula sa City General Services Office (CGSO) kung saan nanggagaling ang pondo ng nasyonal pababa sa pamahalaang lungsod, at detalyadong ibinahagi kung saan ito nahahati-hati para maisagawa ang mga proyekto at programa sa lungsod. Ipinasilip din ang mga proyektong naisagawa sa bagong administrasyon.
Narito ang ilan sa mga natutunan at naging komento ng mga mag-aaral:
“Natutunan po namin bilang mga estudyante lamang na ang katotohanan sa good governance ay paano pumili ng maayos na government.”
“Natutunan namin ang transparency ng governance, nakikita natin ang ambag ng mga leaders sa City of Isabela, kung ano ang mga nagawa nila para sa atin at ano pa ang gagawin nilang projects. Kasama din yung tamang paggamit ng budget at saan napupunta ang binabayaran nating tax.”
“Natutunan namin na malinaw ang pag distribute sa budget ng lungsod kahit na nilalamon na ng korapsyon ang Pilipinas. Nakikita naman natin ang issues sa flood control and ghost projects but not here in Isabela City kase nakikita natin ito mismo sa Isabela City.”
Naging posible ang GoGo Isabela Training Caravan sa suporta ng MNHS na pinangunahan ni Punongguro Jemhar Paredes at ang paggabay ni OIC HT1 Leah Piñero Sobrevega. Kasama rin ang boluntaryong grupo ng mga aktibong GoGo secretariats at documenter, at iilang mga boluntaryo mula sa Kaya Natin Youth Basilan sa pangunguna ng Pangulo nitong si Qasim Tapsi. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »