ICNHS, NAKIISA SA PAGBABALIK NG GOGO ISABELA CARAVAN

Muling rumonda ang GoGo (Good Governance) Isabela Caravan sa Isabela City National High School (ICNHS) kung saan, umabot sa 100 na mga aktibong kalahok ang nakiisa sa makabuluhang pagsasanay na naglalayong ipalaganap ang kaalaman kung paano makakamit ang mabuting pamamahala. Naganap ito noong ika-17 ng Nobyembre, sa mismong entablado ng eskwelahan.
Naitalang umabot na sa 93 sesyon caravan ang GoGo Isabela: 45 Barangays, 38 na iba’t ibang sektor sa lungsod, ikalawang ronda sa 6 na malalaking barangays, at ngayo’y nasa 4 na GoGo Eskwela Caravan para sa mga mag-aaral kung saan, sa buong Rehiyon 9, nabigyan ng parangal bilang kampeon ang inisyatibang ito sa kategoryang ‘Citizen Participation’ ng 2025 Regional DILG ‘Layag’ Awards.
Ang pagsasanay ay pinangunahan ni GoGo Volunteer Speaker 1 Barbette Jane Baclay, Community Health Developer mula sa Global Mission Project, at tinalakay ang unang sesyon na sumasaklaw sa demograpiya ng Lungsod ng Isabela, ang tungkulin, responsibilidad, at obligasyon ng mga namumuno mula pambansa pababa sa barangay, kabilang ang paglilinaw sa mga maling akala ng mga kalahok.
Bago pa man dumako sa ikalawang sesyon ng GoGo, ipinakilala ni Head writer Kristine Jayne Lim ang IsaTV Channel ng Lungsod, at ibinahagi ang iba’t-ibang gawang edukasyonal na shows na pinopost sa mismong channel. Nagkaroon din ng pa-trivia game ang grupo at nagbigay ng mga IsaTV merchandise sa mga nanalo.
Samantala, ipinaliwanag naman ni GoGo Volunteer Speaker 2 Anna Sahibil, Community Affairs Associate mula sa City General Services Office (CGSO) kung saan nanggagaling ang pondo ng nasyonal pababa sa pamahalaang lungsod at detalyadong ibinahagi kung saan ito nahahati-hati para maisagawa ang mga proyekto at programa sa lungsod.
Narito ang ilan sa mga natutunan at naging komento ng mga mag-aaral:
“Ang natutunan ko po sa GoGo Training ay kahit anong edad po pwedeng mag participate, kahit anong age, pwedeng ih promote ang good governance, natutunan ko din na pwede itong ih apply sa ibang lugar, yung budgeting at paano ginagamit ng Mayor, at kung may problema man, hindi lang Mayor ang pwede puntahan kundi ang mga Barangay Captains natin para tayo ay matulungan.”
“Ang natutunan ko sa GoGo Training ngayon is saan napupunta ang budget ng Barangays, akala ko napupunta siya balewala lang or hindi nagagamit ng maayos, pero ito pala ginagamit sa mga projects dito sa Isabela.”
Naging posible ang GoGo Isabela Training Caravan sa suporta ng ICNHS na pinangunahan ni Punongguro Rahma Asjali, kabilang ang mga guro sa institusyon na sina SHS Adviser Jocelyn Jalilul, HT 1 Joseph Imbo, at JHS Adviser Monalie Dela Peña. Kasama rin ang boluntaryong grupo ng mga aktibong GoGo secretariats at documenter, at iilang mga boluntaryo mula sa Kaya Natin Youth Basilan sa pangunguna ng Pangulo nitong si Qasim Tapsi. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni KY Sencio at A. Puti, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »