TAU GAMMA PHI, KAAGAPAY SA SAKAYAN-KAALAMAN: PAGBASA AT PAGKALINGA PARA SA KABATAAN

Sa ikalabing-dalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman Reading Program 3.0 na ginanap sa Kaumpurnah Elementary School noong ika-30 ng Setyembre, tampok ang pakikiisa ng Tau Gamma Phi sa pangunguna ni Konsehal Alex Infante Ututalum, kasama si Konsehal Jashim Tiplani at iba pang kasapi ng samahan, na sabay-sabay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagbabasa bilang pundasyon ng pagkatuto. Bukod dito, naghatid din sila ng arrozcaldo para sa mga mag-aaral bilang dagdag na saya at suporta sa programa.
Dinaluhan ng humigit-kumulang 100 piling mag-aaral mula Baitang 2 hanggang Baitang 6, ang programa ay inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa pamamagitan ng City Information Office at Local Youth Development Office. Layunin nitong palakasin ang kasanayan sa pagbasa at higit pang isulong ang literasiya ng kabataang Isabeleño.
Patuloy ring katuwang sa programa ang mga volunteers mula Youth Space Mentoring Program na nagsisilbing gabay at tagapagturo ng mga mag-aaral. Isinasagawa ito tuwing Martes at Miyerkules, kung saan inilaan ang isang oras para sa mga lektura mula sa mga katuwang na tanggapan at dalawang oras para sa pagbasa at paglinang ng literasiya. Sa kabuuang 20 sesyon, tatanggap ang mga kalahok ng tuloy-tuloy na gabay at suporta mula sa kanilang mga mentor upang masuri at mapaunlad ang kanilang antas ng pagbasa.
Sa tulong ng HAPIsabela Mobile Library, mas naging makulay at makahulugan ang karanasan ng mga mag-aaral. Pinatutunayan nito na ang pagbabasa ay hindi lamang nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman, kundi mahalagang bahagi rin ng pagpapaunlad ng kalusugan, kagalingan, at kabuuang paghubog sa kinabukasan ng mga bata.
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »