BAGONG BARANGAY HALL NG TABUK, PINASINAYAAN

Pormal nang ipinagkaloob sa pamunuan at mga residente ng Barangay Tabuk ang bagong gawang Barangay Hall na isinakatuparan sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ika-25 ng Hunyo.
Ang proyektong nagkakahalaga ng P3,936,564.58 ay pinondohan sa ilalim ng 20% Development Fund ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela. Layunin nitong bigyan ng mas maayos at mas ligtas na lugar para sa operasyon ng pamahalaang barangay at mga serbisyong inilalaan sa mga residente.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Alkalde Turabin-Hataman na ang Barangay Hall ay hindi lamang gusali kundi isang simbolo ng mas pinaigting na serbisyo publiko at pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mamamayan.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga opisyal ng Barangay Tabuk sa pangunguna ni Punong Barangay Hja. Eyam Ajibon sa lokal na pamahalaan, na nagsabing malaking tulong ang bagong pasilidad upang higit na maging episyente at maayos ang paghahatid ng serbisyo sa kanilang komunidad. (Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »