ANTI-BULLYING AT FILIPINO SIGN LANGUAGE, TAMPOK SA IKA-10 SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN

Sa ika-anim na linggo ng Sakayan-Kaalaman Reading Program 3.0, umabot na ito sa ika-sampung sesyon—hudyat na kalahati na ang natitira sa kabuuang dalawampung sesyon ng programa.
Idinaos noong ika-23 ng Setyembre sa Kaumpurnah Elementary School ang anti-bullying session na handog ng City Persons with Disabilities Affairs Office sa pamumuno ni Gemma Casas-Paculio. Dumalo rito ang 100 estudyante mula Baitang 2 hanggang 6 na masiglang nakilahok.
Bukod sa diskusyon, nagturo rin ang CPDAO ng mga basic Filipino Sign Language (FSL) upang maipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga taong may kapansanan sa pandinig. Ipinakita rin ang mga assistive devices gaya ng wheelchair, walker at saklay, na naglalayong magbigay-paliwanag kung paano nakatutulong ang mga ito upang maging mas madali at mas independent ang araw-araw na buhay ng mga persons with disabilities.
Nagkaroon din ng masayang palaro na may mga pa-premyo at masustansyang meryenda para sa mga bata. Naroon din si Local Youth Development Officer Levinia Jareljone upang maghatid ng suporta, kasama ang mga mentors mula sa Youth Space Mentoring Program na patuloy na gumagabay sa mga mag-aaral.
Pinangungunahan ni Punong-Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang ang City Information Office at Local Youth Development Office, layunin ng programa na mapaunlad ang kasanayan sa pagbabasa ng mga kabataang Isabeleño. Isinasagawa ito tuwing Martes at Miyerkules, kung saan ang bawat partner organization ay naglalaan ng isang oras na edukasyonal na aktibidad, kasabay ng dalawang oras na pagbabasang may gabay mula sa mga volunteers.
Sa tulong ng HAPIsabela Mobile Library, mas napayaman pa ang karanasan ng mga mag-aaral. Pinapakita rin nito na ang pagbabasa ay hindi lamang tungkol sa kaalaman, kundi bahagi rin ng mas malawak na pagtutok sa kalusugan, kabutihan, at pangkalahatang pag-unlad ng mga bata.
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »