LUNGSOD NG ISABELA, TAMPOK SA FAMILIARIZATION TOUR NG PHILIPPINE TRAVEL AGENCIES ASSOCIATION; DOT USEC. KABILANG SA MGA PANAUHIN

Matagumpay na naisagawa sa Lungsod ng Isabela noong Agosto 29 ang familiarization tour ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA), ang pinakamalaking asosasyon ng industriya ng pagbyahe sa bansa. Mainit na sinalubong ng lungsod ang mga panauhin, kabilang si Pangalawang Kalihim para sa Turismong Halal at Ugnayang Muslim Myra Paz Valderrosa-Abubakar ng Kagawaran ng Turismo (DOT).
Layunin ng pagbisitang ito na maipakita ang mayamang kultura, mga likas na tanawin, at ang mainit na pagtanggap ng mga Isabeleño, bilang bahagi ng pagsulong ng lungsod bilang isang ’emerging destination’ sa rehiyon ng Mindanao.
Ang delegasyon ay binubuo ng humigit-kumulang 48 miyembro ng PTAA, kabilang ang mga may-ari ng travel agencies, tour operators, at mga decision-makers sa larangan ng turismo. Kabilang sa mga opisyal na dumalo ay sina:
▪️Evangeline Manotok, President
▪️Jaison Yang, Executive Vice President
▪️Evelyn Bondagjy, Vice President for Outbound
▪️Dominic Castillejos, Vice President for Inbound
▪️Arnel Gomez, Secretary General
▪️Helena Ty, Treasurer at iba pang Board of Trustees at kasapi ng asosasyon.
Ang pagbisita ay bahagi ng mas malawak na Zamboanga Peninsula tour ng PTAA na nakatuon sa pagtuklas sa turismo at cultural heritage ng Basilan, partikular na ang Lungsod ng Isabela, na unti-unting lumulutang bilang isang pangunahing destinasyong pangkultura at pangkalikasan sa Mindanao.
Bilang tampok ng aktibidad, isinagawa ang HAPIsabela Day Tour, na nagbigay ng pagkakataon sa mga bisita na maranasan ang community-based tourism sa Barangay Marang-Marang. Kabilang sa mga aktibidad dito ang kayaking, swimming, food demonstration, at pagtikim ng masasarap na lokal na almusal.
Sumunod na binisita ng delegasyon ang Pahali Resort para sa isang beach immersion experience, bago nagpatuloy sa isang city tour na nagbigay ng sulyap sa mayamang kultura at kasaysayan ng lungsod. Kabilang sa mga binisita ng grupo ang Tagima Quincentennial Historical Marker, mga sentro ng paglalala ng banig at paghahabi ng Tennun, at ang Sta. Isabel de Portugal Cathedral.
Bilang bahagi ng paglilibot, binisita ng delegasyon ang Sangguniang Panlungsod kung saan sila ay personal na tinanggap ni Bise Alkalde Ar-Jhemar Ajibon, kasama ang mga konsehal na sina Alexes Ututalum at Jashim Tiplani. Dumalo rin si Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma at ang Abogado ng Lungsod na si Atty. Rosebell Sanson.
Ang matagumpay na pagdaraos ng PTAA Familiarization Tour ay isa na namang patunay sa lumalawak na pagkilala sa Isabela City bilang isang destinasyong puno ng kagandahang natural, mayamang kasaysayan, at makulay na kultura. Sa patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod na pinangungunahan ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman at mga katuwang na ahensya tulad ng DOT, patuloy na inilalapit ang Isabela sa mapa ng pambansang at pandaigdigang turismo. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

‘LIGID PADULUNG KALAMPUSAN’ STRENGTHENS LIVELIHOOD AND MOBILITY SUPPORT FOR PWDs

The City Government of Isabela under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, through the City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO), headed by Gemma Paculio, continues to advance inclusive governance by strengthening livelihood, mobility, and accessibility opportunities for persons with disabilities (PWDs) through the “Ligìd Padulung Kalampusan” (Wheels Towards

Read More »

CDRRMO AND CSOs JOIN EIGHTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) and Civil Society Organizations (CSOs) joined the eighth session of the Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0 on September 8 at Westside Elementary School. An initiative of the City Government of Isabela under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, Sakayan-Kaalaman 4.0 is

Read More »

GSP BASILAN JOINS THE 7TH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The Girl Scouts of the Philippines (GSP) – Basilan Chapter took part in the seventh session of Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0, held on September 7 at Westside Elementary School. Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0 is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman,

Read More »

‘ESTUDYANTIPID’ SCHOOL CARAVAN, SET TO TEACH FINLIT TO CITY’S YOUTH

Isabela City welcomed a meaningful partnership advancing financial literacy and lifelong learning through the Estudyantipid School Caravan – Provincial Launch and Knowledge Channel TV Turnover, under FinEd Unboxed, an initiative of the BPI Foundation and Knowledge Channel Foundation, Inc., September 3. As part of the Knowledge Channel TV turnover, Basilan

Read More »

IN PHOTOS | HUWARANG PAMILYA AWARDS 2026

Outstanding individuals and families were honored during the Huwarang Pamilya Awards 2026 and culminating of Family Planning Month, September 2, organized by the City Govermment of Isabela through the City Population Management and Development Office. This year’s observance of the National Family Planning Month carries the theme “Panalo ang Pamilyang

Read More »