DA, NAGPAABOT NG HIGIT 27 MILYON-HALAGA NG TULONG PANG-AGRIKULTURA SA LUNGSOD

Sa layuning patatagin ang lokal na sektor ng agrikultura at itaas ang kita ng mga magsasaka, idinaos ngayong araw, ika-22 ng Agosto, ang pagsasalin ng mga makinaryang pang-agrikultura, at iba pang suporta sa produksiyon na pinangunahan ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela na pinamumunuan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman.
Pinangunahan ng Tagapangulo ng Tanggapan ng Pagsasaka na si Maria Gina Alberto ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng welcome remarks. Sinundan ito ng mensahe mula kay DA Regional Executive Director Engr. Marcos Aves, Sr. at kinatawan mula sa Pangasiwaang Pangkaunlaran ng Mindanao (MinDA) na si Khristian Kier Alberto.
Dumalo rin ang Kinatawan ng Tanging Distrito ng Basilan na si Kongresista Ustadz Yusop Alano, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng modernisasyon sa pagsasaka upang makamit ang mas mataas na produksyon at kita para sa mga magsasaka.
Ang kabuuang halaga ng mga ipinamahaging makinarya at suporta ay umabot sa P27,842,627. Kabilang dito ang mga proyektong pang-livestock tulad ng P2.7 milyon para sa Cattle Multiplier Farm Project ng United Workers Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (UWARBMPC) at P2.5 milyon para sa MAGIC Agriculture Cooperative. Bahagi rin ng turnover ang Solar-Powered Greenhouse with Hydroponics System para sa pamahalaang lokal na nagkakahalaga ng halos P2.97 milyon, ang proyekto para sa konstruksyon ng Cold Storage Expansion na nagkakahalaga ng P15 milyon at pagkakaloob ng Four-Wheel Drive Tractor sa ilalim ng High-Value Crops Development Program na nagkakahalaga ng P1.59 milyon. Limang paaralan kabilang ang Latuan Elementary School, Calvario Peak Elementary, Malamawi National High School, Maligue Elementary School, at Ismael Integrated School ay nakatanggap ng assorted garden tools, vermicast, at calamansi seedlings. Bukod dito, nakalaan ang P417,540 para sa hybrid rice seeds at kumpletong pataba para sa mga magsasaka.
Kasama rin sa mga interbensyon ang mga buto ng mais, cassava stripper, dryers, fertilizers, assorted garden tools, vegetable seeds, at iba pang kagamitan para sa iba’t ibang asosasyon gaya ng Baluno Farmers Association, Samahang Makakalikasan (SAMAKA), at IDCAF.
Nagtapos ang seremonya sa pangwakas na pananalita ni Regional Technical Director for Operations ng DA RFO IX na si Maria Melba Wee, na nagpaabot ng pasasalamat at panawagan para sa patuloy na kooperasyon ng mga magsasaka at lokal na pamahalaan. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »