IBA’T IBANG BARANGAY SK, NAGTAGISAN SA ‘BATTLE OF THE BRAINS’

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO) sa pangunguna ni Hepe Levinia Jarejolne ang Battle of the Brains noong ika-20 ng Agosto 20.
Ang paligsahan ay binubuo ng tatlong round—Easy, Average, at Difficult—na sumubok sa talino at kaalaman ng kabataan tungkol sa kasaysayan ng Lungsod ng Isabela at Basilan, gayundin sa mga mahahalagang detalye hinggil sa LYDC at LYDO.
Dumalo rin ang iba’t ibang SK upang magbigay suporta sa kanilang mga kalahok na kinatawan ng kani-kanilang barangay.
Mga nagsipagwagi:
▪️Unang Pwesto – SK Cabunbata A: Christian Tagud, Catelyn Bestar, Angelica Jade Marra
▪️Ikalawang Pwesto – SK Cabunbata B: Alraffy Catamco, Ashlee Sayre, Divine Grace Uraning
▪️Pangtalong Pwesto – SK Tabuk: Alyanna Hamsirani, Ej Franz Hugo, John Paul Labastilla
Isang makabuluhang aktibidad na nagpatunay na ang kabataang Isabeleño ay hindi lamang matapang, kundi matatalino at may alam sa kanilang pinagmulan.
Ang programang ito ay naging posible sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, na patuloy na sumusuporta sa mga inisyatiba ng kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. (Sulat ni R. Albani/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »