TALENTO SA SINING NG MGA PWDs, NAIS IBIDA NG PACDLD INC.

Ang mga kawani mula sa Philippine Association for Citizens with Developmental and Learning Disabilities, Incorporated o PACDLD Inc. ay pormal na nagtungo at nagsagawa ng pagbisita, ika-14 ng Agosto, upang isulong ang programa nilang naglalayong ipakilala at itampok ang talento ng mga Isabeleñong may kapansanan, partikular sa sektor ng kabataan sa larangan ng sining.
Ang maikling pagpupulong ay pinangunahan ng pangulo ng PACDLD Inc. na si Jean Felicite Gonzales, kasama sina Myra Sepe at Helen Valenzuela na kapwang mga Tagapag-ugnay ng Edukasyon. Naroon din bilang kinatawan ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman na si Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, kasama si PDAO Gemma Paculio.
Layunin ng PACDLD Inc. na isulong ang espesyal na programa nito sa lungsod kung saan, ang target na sektor ay ang mga kabataang PWDs, at ang iilan na kabilang na sa SPED. Dito itatampok ang husay at talento ng mga kalahok pagdating sa kategorya ng sining.
Ayon sa mga kawani, magkakaroon ng dalawang araw na sesyon kung saan, ang unang araw ay nakapokus sa pagguhit, pagpinta, pagdisenyo, at iba pang aktibidades na may kinalaman sa sining. Sa pangalawang araw naman ay ibabandera ang kanilang mga gawa sa bukas na espasyo ng Bahay Pamahalaan (City Hall) upang maipagmalaki na ang mga espesyal na kalahok ay may espesyal na kakayahan at talento. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni A. Puti, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »