MAYOR DADAH, NAGBAHAGI NG MGA ARAL NG MABUTING PAMAMAHALA SA 2025 REGIONAL CONVENTION OF HRMPs

Mas naging masigla at makahulugan ang ikalawang araw ng 2025 Regional Convention of Human Resource Management Practitioners (HRMPs), ika-14 ng Agosto na ginanap sa Isabela City Civic and Cultural Center, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela at ng Regional Council of Personnel Officers (RCPO).
Binuksan ang programa sa pagpapakilala ni Blanche Dungog, PIO ng RCPO, kay Rolf Gian Marcos, tagapangulo ng Psychological Association of the Philippines (PAP) Zamboanga LGBT Psychology Special Interest Group, para sa sesyon hinggil sa Diversity, Equity, and Inclusion (DEI) Initiatives. Sa kanyang presentasyon, tinalakay ni Marcos ang kahalagahan ng DEI sa paglaban sa diskriminasyon, lalo na sa mga manggagawang nakararanas ng harassment batay sa SOGIESC. Binigyang-diin niya na ang kawalan ng DEI policies ay nagpapalala ng hindi patas na trato, kaya’t mahalaga ang pagpapatupad ng anti-discrimination measures, inclusive leadership trainings, at paggamit ng research-based approaches. Ipinaliwanag din niya ang epekto ng bias at ang kahalagahan ng psychological safety sa workplace. Bilang gabay, ibinahagi niya ang “Alphabet of Love” (ABCDE): Acknowledge bias, Be kind and respectful, Commit to continuous learning, Diversify your circle, at Engage in inclusion trainings.
Kasunod nito, ipinakilala ni Atty. Faida Aisha Calapardo, Direktor ng CSC Field Office–Zamboanga, bilang resource speaker si Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman. Sa kanyang sesyon hinggil sa Accountable Leadership, ibinahagi ng Punong Lungsod na ang transparency, pakikilahok ng mamamayan, at resulta-batay na pamamahala ang susi sa tagumpay ng HAPIsabela Vision tungo sa masaya at marangal na buhay para sa lahat ng Isabeleño pagsapit ng 2040.
Kabilang sa kanyang mga ipinagmalaki ang digitalisasyon ng Freedom of Information system, pagpapalakas ng pampublikong komunikasyon sa pamamagitan ng IsaTV at Barangay Information Officers Network, at ang pagtaas ng bilang ng akreditadong civil society organizations mula 26 tungo sa 83 sa loob lamang ng anim na buwan sa ilalim ng People Empowerment Ordinance.
Ipinunto rin niya na sa ilalim ng kanyang pamumuno, bumaba ang antas ng kahirapan mula 41.6% noong 2018 tungo sa 10% noong 2023; tumaas ang GDP sa P11.77 bilyon (+7.2%); bumaba ang stunting rate sa 1.3%; at nakamit ang pinakamataas na antas ng functional literacy sa Rehiyon IX. Nagtamo rin ang lungsod ng sunod-sunod na Seal of Good Local Governance at Seal of Good Financial Housekeeping 2025, at nananatiling tanging ISO 9001:2015-certified LGU sa rehiyon.
Matapos ito ay isinagawa ang “Conversations with CSC,” isang bukas na talakayan sa pagitan ng mga CPO chapter at mga CSC field director hinggil sa mga isyung kinahaharap ng human resource management sa rehiyon. Sumunod dito ang RCPO Hour at halalan na pinangunahan ng dating pangulo ng RCPO na si George Agayan, kung saan nakilahok ang mga delegado sa pagpili ng mga bagong opisyal.
Nahalal bilang mga bagong opisyal sina Trio Roderick mula Zamboanga City bilang Pangulo, Alice Sarmiento bilang Auditor at Blanche Dungog bilang PIO mula Zamboanga del Sur, at mga Board Member na sina Marichu Mapiso at Lanie Maturan mula Zamboanga City; Christopher Fernandez at Jai Jazer Bas mula Zamboanga del Sur; George Agayan at Elvie Abila mula Zamboanga del Norte; Nelsie Lazo at Rammark Monjardin mula Zamboanga Sibugay; at Vilma Alcantara at Lindel Ondoy mula Lungsod ng Isabela.
Bilang panghuling anunsyo, inilantad ng RCPO ang susunod na kabanata: ang Lungsod ng Zamboanga ang magiging host ng 2026 Regional Conference, isang pagtitipon na inaasahang magpapatuloy sa tradisyon ng inspirasyon at pagbabago para sa mga HR practitioner’s ng rehiyon. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »