KABATAAN PARA SA KALIKASAN: FUN HIKE AT CLEAN-UP DRIVE, GINANAP

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa sa pamamagitan ng Tanggapan ng Lokal na Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO) na pinamumunuan ni Hepe Levinia Jarejolne, katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation at Tabuk Youth Auxiliary Council, matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Fun Hike at Clean-Up Drive ika-12 ng Agosto, na ginanap sa Kasanyangan Trail, Barangay Cabunbata.
Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2025 at kaugnay ng pagdiriwang ng International Youth Day, na may temang “Lakbay ng Kabataan Tungo sa Maunlad na Kinabukasan!”, layunin ng gawain ang isulong ang climate change adaptation, pangangalaga sa kalikasan, at aktibong partisipasyon ng kabataan sa mga inisyatibong pangkomunidad.
Kasama sa mga naging katuwang para sa matagumpay na aktibidad ang 6th Special Forces Battalion at 19th SF Magnitude Company ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Dumalo rin sina pangulo ng SK Federation Naila Belleng, at mga pangulo ng SK ng Barangay Tabuk, Sunrise, at Maligue.
Sa pamamagitan ng Fun Hike at Clean-Up Drive, hindi lamang naipakita ng kabataan ang kanilang malasakit sa kalikasan, kundi naipamalas din ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikipagtulungan upang mapangalagaan ang likas na yaman para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »