KASANAYAN PARA SA MGA KABATAANG ISABELAÑO, PINANGUNAHAN NI VM AJIBON

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 sa Lungsod ng Isabela at mula sa kampanyang ‘Larga Isabela’ na pinangungunahan ni Bise Alkalde Ar-Jhemar ‘Nims’ Ajibon, katuwang ang koordinasyon ng 6th Special Forces Battalion, PA, naisagawa ang unang araw ng ‘RISE: Youth Leadership Training for a Responsible and Empowered Generation’ para sa 40 na mga aktibong kabataang Isabeleño mula sa iba’t ibang organisasyon, ika-11 ng Agosto.
Ang nasabing kasanayan ay naglalayong linangin ang kamalayan sa kanilang sarili at ang pagpapahalaga sa pamumuno, husayan ang mga kasanayan sa larangan ng komunikasyon, paigtingin ang tungkulin at responsibilidad bilang kabataang pinuno sa kanilang komunidad, sanayin ang responsableng paggamit ng digital at media literacy, at palakasin ang boses at partisipasyon ng mga kabataan upang makamit ang mas bukas at maayos na lipunan.
Bago naganap ang kasanayan, nagbigay ng malugod na pagbati ang Bise Alkalde Ajibon sa mga kalahok na dumalo sa naturang aktibidad, kabilang ang pagpapakilala sa pangunahing tagapagsalita na si Bokal Ahmed Ibn Djaliv Hataman, na isa rin sa personalidad na nais paigtingin ang boses ng mga kabataang Isabeleño at Basileño tungo sa ninanais na pagbabago.
Sinundan naman ito ng mga sesyon ni LYDO Levinia Jarejolne na nagbahagi ukol sa ‘Leadership and Personal Development’; tinalakay naman ang ‘Communication and Collaboration’ ni LLSO II Ramsyss Andaya, at panghuli ay ang ‘Social Responsibility and Community’ ni Atty. Mohammad Asraf Baird.
Ang buong araw na kasanayan ay naging interaktibo kung saan, ibinahagi ng mga kalahok ang karanasan, kaalaman, mga natutunan, at ang nais nilang gawin bilang mga kabataan sa pagpapabuti ng kanilang komunidad. Aniya, ang boses at kilusan ng mga kabataan ay may malaking kontribusyon na naaayon sa maka-modernong lipunan.
Dumalo rin at nagbigay ng kanilang suporta ang pangulo ng SK Federation na si Naila Belleng, LTC Roldan Mira na kinatawanan ni LTC Geoffrey Fabros, mga miyembro ng 6th Special Forces Battalion, at ang mga kawani ng Sangguniang Panlungsod. Ang naturang kasanayan ay may isa pang kasunod na sesyon na gaganapin sa SP Session Hall ng Lungsod. (Sulat ni S. Angging/Kuha nina JM Gamao, PGB at M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »