KAABANG-ABANG NA UMPUGAN NG MGA KOPONAN, TAMPOK SA 2025 SK FEDERATION BASKETBALL LEAGUE

Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, sa pamamagitan ng anggapan ng Lokal na Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO) na pinamumunuan ni Hepe Levinia Jarejolne, ay opisyal nang sinimulan ang SK Federation Basketball League, Agosto 10, sa Barangay Menzi Covered Court.
Ang nasabing patimpalak ay pinangungunahan ni SK Federation President Naila Belleng at isinagawa sa pangunguna at koordinasyon nina pangulo ng SK Kaumpurnah Zone II Datu Panquiran Asakil at pangulo ng SK Kumalarang Mahaimin Noor. Layunin ng liga na palakasin ang samahan ng mga kabataan sa pamamagitan ng isports, itaguyod ang disiplina at malusog na pamumuhay, at maging plataporma para sa pagpapakita ng talento sa larangan ng basketball.
Sa pagbubukas ng laro, nagkaharap ang SK Lanote at SK Marang-Marang kung saan nanalo ang huli. Ang SK Calvario naman ay tinalo ang SK Eastside, habang wagi ang SK Kaumpurnah Zone I laban sa SK Isabela Proper. Ang mga manlalaro at manonood ay todo suporta, dala ang sigawan at palakpakan sa bawat puntos na naitatala ng kanilang paboritong koponan.
Matatandaan na sa huling Linggo ng Kabataan (LiNK) 2024 Basketball League, Barangay Lanote ang nagwaging kampeon at magtatangkang depensahan ang kanilang titulo sa taong ito. Inaasahan na mas magiging kapana-panabik ang mga susunod na laro habang bawat koponan ay magsusumikap para makamit ang kampeonato.
Ang SK Federation Basketball League ay bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan na naglalayong magbigay ng makabuluhang aktibidad para sa mga kabataang Isabeleño—hindi lamang para sa kasiyahan, kundi upang hubugin din ang kanilang sportsmanship, teamwork, at pagmamahal sa komunidad. (Sulat ni KJ Lim/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »