PAMAHALAANG LOKAL, NAGHAHANDA NA SA PAGLAHOK SA PROGRAMANG ‘OPEN GOVERNMENT PARTNERSHIP’

Bilang patunay ng matibay na paninindigan para sa pamamahalang bukas, may pananagutan at nalalahukan, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela ng komprehensibong diskusyon, ika-1 ng Agosto, bilang paghahanda para sa opisyal na paglahok nito sa Open Government Partnership (OGP) Localization Program.
Pinangasiwaan ng Tanggapan ng Pagpaplano at Pag-unlad (CPDO), dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang tiyaking maayos ang koordinasyon at kahandaan para sa nakatakdang Focus Group Discussion (FGD) sa Agosto 7, kasama ang documentation team mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG). Layunin ng nasabing aktibidad na tapusin ang dokumentasyong kinakailangan, tipunin ang mga kaugnay na datos, at pagtibayin ang pagkakaunawa sa mga prinsipyo ng OGP.
Ang OGP ay isang pandaigdigang inisyatibo na naghihikayat sa mga lokal na pamahalaan na isulong ang bukas, inklusibo, at technology-based na pamamahala sa pamamagitan ng mga konkretong reporma. Nakasandig ito sa mga haligi ng transparency, partisipasyon ng mamamayan, at pananagutan—na layuning padaliin ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan, magtatag ng tiwala, at bigyang-lakas ang mga komunidad sa pamamagitan ng bukas na impormasyon at digital na mekanismo sa pamamahala.
Sa diskusyon, binigyang-diin ng CPDO ang kahalagahan ng integrasyon ng citizen feedback mechanisms, data-sharing systems, at digital platforms sa mga umiiral na sistema ng pamahalaan. Tinalakay din ang mga kasalukuyang magandang praktis, inobasyon, at mga mungkahing inisyatibo para sa bukas na pamahalaan. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »