PASIKLABAN NG BOSESAN SA ‘LA VOZ DE ISABELA’

Umalingangaw ang Plaza Rizal sa tunog ng mga awiting handog ng mga kalahok sa “La Voz de Isabela Singing Competition”, ika-5 ng Hulyo.
Nagningning ang entablado sa husay at talento sa La Voz de Isabela 2025 kung saan itinanghal na Kampyeon si Jomari Navarro Alamhali mula sa Sinubong, Zamboanga City. Nasungkit ni Fritzie Torida mula sa San Roque, Zamboanga City ang titulong 1st Runner-Up, habang si Abegael Lunggakit mula rin sa Zamboanga City ay kinilala bilang 2nd Runner-Up, na kumumpleto sa hanay ng mga natatanging nagwagi ngayong taon.
Handog ng pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo at ng Barangay Seaside sa pamumuno ni Punong Barangay Fitzgerald Tan, ang nasabing patimpalak ay bahagi ng mga aktibidad para ipagdiwang ang Fiesta Alegria de Isabela at ng Ika-175 Kapistahang Patronal ng Parokya Katedral ni Sta. Isabel de Portugal.
Maliban sa pagpapakita ng angking galing ng mga mang-aawit na Isabeleño, layunin din ng okasyong ito na bigyang-halaga ang kontribusyon ng kapistahang ito sa kultura at kasaysayan ng Lungsod ng Isabela. (Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »