LGU-ISABELA CITY, NAKIISA SA CARAVAN KONTRA LABOR

Sa ilalim ng temang “Sa Bagong Pilipinas: Mag-aaral ang Bata, Hindi Manggagawa,” matagumpay na idinaos ang 2025 Regional Information Service Caravan kasabay ng paggunita sa World Day Against Child Labor, ika-12 ng Hunyo sa Basilan National High School.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE) sa suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela at ibang mga ahensya, na may layuning ipalaganap ang kamalayan at pagtutol sa child labor, at hikayatin ang komunidad na tiyaking ang mga bata ay nasa paaralan at hindi nagtatrabaho sa mga pabrika o sakahan.
Pinangunahan ni Chief Labor and Employment Officer at hepe ng DOLE-Isabela City Field Office Marlyn Anoos ang pagbubukas ng programa at pagpapaliwanag sa layunin ng isinasagawang caravan. Bahagi rin ng aktibidad ang Sakayan-Kaalaman ng HAPIsabela Mobile Library, na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga bata na magbasa at matuto sa isang makabago at masayang paraan.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa adbokasiyang wakasan ang child labor. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga ahensya, barangay, at civil society upang masigurong nasa ligtas, maayos, at makataong kalagayan ang bawat batang Isabeleño.
Sa Learning Session, tinalakay ni assistant regional director ng DOLE IX Engr. Wesley Tan ang nilalaman at kahalagahan ng ILO Convention No. 190 na nakatuon sa paglaban sa karahasan at panliligalig sa mundo ng paggawa. Sinundan ito ng isang pormal na Pledge of Commitment Signing, kung saan lumagda ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya, opisyal ng barangay, at miyembro ng Isabela City Council Against Child Labor (ICCACL) bilang malinaw na pahayag ng kanilang pagkakaisa laban sa pagsasamantala sa kabataan.
Nagbigay naman ng presentasyon ang iba’t ibang partner agencies tungkol sa kanilang mga programa at serbisyo para sa mga batang manggagawa. Kasunod nito ay isinagawa ang mga masasayang palaro na inorganisa ng Nagdilaab Foundation, Inc. at Solidaridad-IDP, Inc. para sa mga batang kalahok. Lalong naging makulay ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Batang Malaya Community Dance, at ng Project Angel Tree, kung saan namahagi ng mga regalo ang iba’t ibang ahensiya sa pangunguna ni Chief Marlyn M. Amoos.
Bilang karagdagang bahagi ng programa, isinagawa rin ang Kadiwa ng Pangulo Payout sa pamumuno ni Punong Lungsod Turabin-Hataman, at ang seremonyal na pagsasalin ng mga Livelihood Kits at Checks sa mga benepisyaryong barangay, kabilang ang mga Punong Barangay Oscar Bernardo ng Tabiawan at Concepcion Andajao ng Sunrise.
Maituturing ang programang ito bilang isang makasaysayang hakbang tungo sa Bagong Pilipinas—isang lipunang inuuna ang kapakanan ng kabataan, kung saan ang mga bata ay muling naibabalik sa paaralan, malaya mula sa pasaning hindi dapat nila pinapasan. (Sulat ni E. Banding-Hadjala/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)

#HAPIsabela
#AHappyAndDignifiedLifeForAll

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

‘LIGID PADULUNG KALAMPUSAN’ STRENGTHENS LIVELIHOOD AND MOBILITY SUPPORT FOR PWDs

The City Government of Isabela under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, through the City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO), headed by Gemma Paculio, continues to advance inclusive governance by strengthening livelihood, mobility, and accessibility opportunities for persons with disabilities (PWDs) through the “Ligìd Padulung Kalampusan” (Wheels Towards

Read More »

CDRRMO AND CSOs JOIN EIGHTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) and Civil Society Organizations (CSOs) joined the eighth session of the Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0 on September 8 at Westside Elementary School. An initiative of the City Government of Isabela under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, Sakayan-Kaalaman 4.0 is

Read More »

GSP BASILAN JOINS THE 7TH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The Girl Scouts of the Philippines (GSP) – Basilan Chapter took part in the seventh session of Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0, held on September 7 at Westside Elementary School. Sakayan-Kaalaman Reading Program 4.0 is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman,

Read More »

‘ESTUDYANTIPID’ SCHOOL CARAVAN, SET TO TEACH FINLIT TO CITY’S YOUTH

Isabela City welcomed a meaningful partnership advancing financial literacy and lifelong learning through the Estudyantipid School Caravan – Provincial Launch and Knowledge Channel TV Turnover, under FinEd Unboxed, an initiative of the BPI Foundation and Knowledge Channel Foundation, Inc., September 3. As part of the Knowledge Channel TV turnover, Basilan

Read More »

IN PHOTOS | HUWARANG PAMILYA AWARDS 2026

Outstanding individuals and families were honored during the Huwarang Pamilya Awards 2026 and culminating of Family Planning Month, September 2, organized by the City Govermment of Isabela through the City Population Management and Development Office. This year’s observance of the National Family Planning Month carries the theme “Panalo ang Pamilyang

Read More »