KAGAMITAN PANSAKA PARA SA TABIAWAN WOMEN FARMERS ASSOCIATION, PINONDOHAN NG LGU-ISABELA CITY GAD FUND

Pormal na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang pagsasalin ng kagamitang pansaka na nagkakahalaga ng P35,000 sa Tabiawan Women Empowerment Farmers Association, ika-4 ng Hunyo. Sa pamumuno ni Charlene Bucoy, ang asosasyon ay tumanggap ng nasabing tulong na pinondohan sa ilalim ng Gender and Development (GAD) Fund.
Bilang pakikiisa at suporta, dumalo sa aktibidad ang pangulo ng Local Council of Women (LCW) na si Shiela Pagarigan, pangulo ng Isabela City People’s Council na si Pastor Ronald Paulino, at CSO Desk Officer na si Norhaiya Macusang.
Lubos ang pasasalamat ng asosasyon sa kagamitang natanggap, na inaasahang makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan at sa patuloy na pag-unlad ng kanilang komunidad. (Sulat ni R. Natividad-Sarael, GAD Unit/Kuha ni KJ Evardo IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »