HAPISABELA YOUTH SUMMIT 6.0, OPISYAL NANG BINUKSAN; 88 KABATAANG LIDER, HAHARAPIN ANG HAMON NG SIXTH GEN

Nasa 88 kabataan, isang misyon, at apat na araw ng hamon—opisyal nang umarangkada ang HAPIsabela Youth Summit: The 6th Generation Survival Camp (HYS 6.0), Agosto 1, sa Isabela City Park, kung saan haharap ang bagong henerasyon ng mga kabataang lider sa serye ng mga pagsubok at aktibidad na susukat hindi lamang sa kanilang lakas at tapang, kundi maging sa kanilang katatagan, diskarte, kakayahang mamuno, at kahandaang tumugon sa anumang hamon hanggang sa pagtatapos ng summit sa Agosto 4.

Sa temang “READY – Resilience, Emergency Awareness, and Disaster-Ready Youth,” tinipon ng ikaanim na edisyon ng HYS ang mga lider-kabataan na napili matapos ang isang masusing proseso na nakatuon sa kanilang passion, potential, purpose, at commitment sa pamumuno at paglilingkod sa komunidad.

Personal na dumalo at nakibahagi sa opisyal na pagbubukas ng HYS 6.0 si Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng punong lungsod ang kanyang buong suporta sa mga kabataan at hinikayat silang ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulan, manatiling matatag sa harap ng mga hamon, at gamitin ang kanilang mga natutuhan at kakayahan upang maging mabuting halimbawa at aktibong katuwang sa pag-unlad ng kanilang komunidad. Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan at hinikayat silang patuloy na matuto, mamuno, at maglingkod.

Samantala, ibinahagi naman ni Bokal Amin Hataman ang kahalagahan ng paglilingkod at patuloy na paghubog sa mga kabataang Isabeleño upang maging handa silang gampanan ang kanilang papel sa komunidad. Hinikayat niya ang mga kalahok na yakapin ang bawat karanasan sa HYS 6.0 bilang pagkakataon upang matuto, lumago, at higit pang paunlarin ang kanilang kakayahan bilang mga lider.

Nagbigay naman ng mensaha si Sangguniang Kabataan Federation President Naila Belleng, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa, aktibong pakikilahok, at pagiging handa ng kabataan sa pagharap sa mga hamon ng kanilang henerasyon.

Bilang bahagi ng unang araw ng HYS 6.0, isinagawa rin ang iba’t ibang aktibidad na nagbigay-daan upang mas makilala ng mga kalahok ang isa’t isa, mapalakas ang kanilang samahan, at maihanda ang kanilang sarili sa mga hamon na naghihintay sa mga susunod na araw.

Tampok din dito ang Listening Party, na nagsilbing pagkakataon para sa mga kabataan na magsaya, makinig sa kanilang mga paboritong awitin, at makibahagi sa mga performance at impersonation na naghatid ng mas masigla at masayang atmosphere sa kampo.

Higit pa sa isang survival camp, ang HYS 6.0 ay nagsisilbing pagsasanay para sa mga kabataang handang lumabas sa kanilang comfort zone, harapin ang mga pagsubok, at matuto mula sa bawat karanasan. Sa bawat hamon, inaasahang mahuhubog ang kanilang tapang, disiplina, pakikipagtulungan, at kakayahang mamuno sa gitna ng iba’t ibang sitwasyon.

Sa HAPIsabela Youth Summit 6.0, ang bawat hamon ay pagkakataong matuto, ang bawat pagsubok ay hakbang tungo sa katatagan, at ang bawat karanasan ay paghahanda upang maging isang kabataang “READY—ready to respond, ready to lead, and ready to serve.” (Sulat ni KC Lim/Kuha ni C. Digon, IsaTV)

#LinggoNgKabataan2026

#LiNK2026

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ISABELA CHO CELEBRATES SIGHT SAVING MONTH 2026

The City Health Office of Isabela de Basilan joined the celebration of Sight Saving Month 2026 through a community-based eye health activity held today at the Barangay Sta. Barbara Multi-Purpose Hall. A total of 88 individuals were assessed for visual acuity using the Snellen Chart, comprising 39 adults and 49

Read More »

MENZI FIRE SUB-STATION, PORMAL NANG PINASINAYAAN

Isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng pagtugon sa mga emerhensiya at serbisyong pangkaligtasan sa Lungsod ng Isabela ang isinagawa sa pamamagitan ng pormal na pagpapasinaya ng Menzi Fire Sub-Station noong Agosto 10 sa Barangay Menzi. Pinondohan sa ilalim ng POPS Plan sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang

Read More »

HAPISABELA MOBILE LIBRARY, NAKIISA SA IKAAPAT NA ‘LARGA ISABELA’

Sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon (CIO) na pinamumunuan ni Mendry-Ann Lim, nagtungo ang Mobile Library Team sa Barangay Panigayan upang makiisa at magbigay ng suporta sa ikaapat na LARGA ISABELA, isang makabuluhang gawaing pangkomunidad na pinangunahan ni

Read More »